Positibo ang tugon ng North Korea sa pakiusap ng United Nations (UN) na sundin ng NoKor ang mga resolusyong ipinapasa nila para maiwasan ang anumang sanction o parusa.
Kasunod na din ito ng pagpupulong nina UN Undersecretary General for Political Affairs Jeffrey Feltman kay North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho para ayusin ang tensyon sa bansa hinggil sa nuclear at missile tests nito.
Binigyang – diin ni Feltman na diplomatic solution lamang ang sagot sa sitwasyon sa pamamagitan ng seryosong dialogue.
Nabatid na sinisi noon ni Ri ang tinawag niyang hostile US policy sa lumalalang krisis.
—-