Tila nawawalan na ng tiwala ang NoKor o North Korea sa Estados Unidos dahil sa mga ipinapataw na sanctions ng nasabing bansa laban sa kanila.
Iyan ang inihayag ni North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho sa harap ng mga delegado ng UN o United Nations.
Dahil dito aniya, malabo ang nais mangyari ng Amerika na dis-armahan ng NoKor ang sarili nitong bansa kung patuloy na igigiit ang mga sanctions laban sa kanila.
Sa panig naman ni US Secretary of State Mike Pompeo, kinakailangan nilang ipatupad ang sanctions laban sa NoKor upang patunayan na sinsero ang naturang bansa sa sinasabi nilang denuclearization.
Ngunit sa kabila nito, umani naman ng papuri ang NoKor mula sa mga kaalyadong bansa nito tulad ng China at Russia dahil sa mga ginagawa nitong hakbang tungo sa pagtatamo ng kapayapaan sa Korean peninsula.