Tinapos na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagtanggap ng nominasyon at aplikasyon para sa pagka-Ombudsman na mababakante sa sandaling matapos ang termino ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo.
Kabilang sa mga nominado sina Labor Secretary Silvestre Bello III, special prosecutor at dating Sandiganbayan presiding Justice Edilberto Sandoval, Davao City Regional Trial Court Judges Carlos Espero II at Rowen Apao-Adlawan, Edna Batacan na abogado ni Pangulong Rodrigo Duterte at Rex Rico, na kaklase naman sa law school ng Pangulo.
Pasok din ang nominasyon nina Supreme Court Associate Justices Presbitero Velasco Jr. na magreretiro sa Agosto at Teresita Leonardo de Castro na magreretiro naman sa Oktubre.
Gayunman, batay sa source ay wala pang tugon si Velasco habang tinanggihan ni De Castro ang nominasyon maging nina Solicitor-General Jose Calida at House Majority Floor Leader at Ilocos Norte 1st Representative Rodolfo Fariñas.
—-