Ibinasura ng Committee on Foreign Relations ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Perfecto Yasay bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Napagkasunduan ito ng mga miyembro ng komite sa isang executive session matapos na muling isalang sa confirmation hearing si Yasay.
Ayon sa source ng DWIZ, unanimous ang desisyon ng mga miyembro ng komite na ibasura ang nominasyon ni Yasay.
Ilang miyembro di umano ng komite na dating pabor sa kumpirmasyon ni Yasay ang nagbago ng isip matapos madismaya nang tumanggi pa rin si Yasay na amining, dati siyang naging US citizen.
Nakatakdang ihayag ng komite ang desisyon nila sa nominasyon ni Yasay sa plenary session ng CA ngayong hapon.
By Len Aguirre | Report from Cely Bueno (Patrol 19)