Pansamantalang ipinagpaliban ang nominasyon para sa susunod na Prime Minister ng Lebanon matapos magpahayag ang ilang major Christian parties na hindi nila susuportahan ang hahalili sa pwesto ni Prime Minister Saad Hariri.
Si Hariri ay nagbitiw sa puwesto noong October 29 sa gitna ng malawakang kilos protesta laban sa pangasiwaan nito subalit nagbabadya umano itong bumalik dahil sa bigong pagsuporta ng ilang kandidato mula sa Sunni Muslim Establishment.
Nakapaloob sa complex political system ng Lebanon na ang susunod na Prime Minister ng bansa ay dapat isang Sunni, ang Pangulo ng Maronite Christian at tagapagsatalita ng parliament sa Shia Muslim.
Base naman sa modern day interpretation ng key article sa konstitusyon kinakailangang mayroong pantay na kinatawan ng mga Kristyano at Muslim sa parliamento at gobyerno.