Naglunsad ang Manila City Jail ng non-contact booth para sa mga nais bumisita sa mga Person Deprived of Liberty (PDLs).
Sa tulong ng non-contact booth, makakausap ng mga preso ang kanilang mga mahal sa buhay sa loob ng 15 minuto sa pamamagitan ng glass barrier.
Nabatid na ang naturang booth ay bahagi ng ipinatutupad na protocol at mga hakbang sa kaligtasan ng bawat PDLs sa Manila City Jail Male Dormitory.