Pinagre-refund o pinagre-rebook ng Cebu Pacific ang mga pasahero na non-essentials matapos ikasa ng gobyerno ang panibagong paghihigpit sa gitna nang patuloy na pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ipinabatid ng Cebu Pacific na walang pagbabago ang mga flights sa susunod na tatlong araw kaya’t uubrang magpa-rebook na o magpa-refund, dalawang oras bago ang mismong flight.
Pinayuhan ng Cebu Pacific ang mga pasahero na mag-antabay sa ilalabas nilang pagbabago o adjustments sa kanilang flights mula ika-25 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril.