Isinusulong ngayon sa senado ang panukalang batas na naglalayong gawaran ng non-expiration ang mga legislative franchise na may pending renewal application pa sa kongreso.
Batay sa Senate Bill 1530, layon nitong amyendahan ang Section 18, Book VII, Chapter 3 ng revised administrative code na nagpapahintulot ng non-expiration ng isang lisensya kapag inihain ang renewal application nito sa tamang oras at ng may sapat na requirements.
Nakasaad din dito ang kapangyarihan para sakupin na rin ang prangkisang ibinibigay ng kongreso.
Naniniwala si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na makatutulong ang panukala para masolusyunan ang kakulangan sa batas at sa pagpapatupad nito.