Tiniyak ni World Bantamweight Champion Nonito Donaire Jr. na ibibigay niya ang 100% ng kanyang lakas para sa muli nilang paghaharap ni Naoya Inoue ng Japan.
Ayon kay Donaire, fight mentality lamang ang bitbit niya nang matalo siya laban kay Inoue noong 2019.
Aniya, gagawin niya raw ang lahat ng kaniyang makakaya para mapataob ang undefeated na pambato ng Japan.
Nabatid na sa Hunyo a-7 maghaharap sina Donaire at Inoue para sa Bantamweight Championship. — sa panulat ni Abie Aliño