Muli na namang maituturing na World Champion si Nonito ‘the Filipino flash’ Donaire.
Ito ay matapos patumbahin ni Donaire si Nordine Oubaali sa fourth round para mapasakamay ang titulo sa WBC bantamweight championship sa Dignity Health Sports Park Stadium sa Carson, California.
Nagpakawala ng tatlong matinding suntok ang 38 anyos na si Donaire laban kay Oubaali – Dalawa sa third round at isa sa fourth round, dahilan para ipatigil na ng referee ang bakbakan.
Si Donaire ang pinakamatandang boksingero na nanalo ng isang bantamweight title.
Ang nasabing laban naman ang kauna-unahang nagpayuko sa French boxer sa kanyang professional career matapos manalo sa 17 iba pang professional matches.