Nabitawan na ni Nonito Donaire ang WBO Junior Featherweight title nito.
Nasungkit na ni Jessie Magdaleno kay Donaire ang nasabing title belt sa pamamagitan ng unanimous decision.
Ayon sa boxing analysts unang nagpakita ng kaniyang bangis si Magdaleno habang si Donaire naman ay hinahanap pa ang kaniyang range.
Nakita ang pagka agresibo ni Magdaleno sa 2nd round samantalang hindi naman nagpa apekto si Donaire sa natatamong suntok kay Magdaleno at sinubukan pa ring mag adjust sa bilis ng challenger.
Subalit naipamalas din naman ni Donaire ang kaniyang galing sa power punches na nasilayan ng mga manununod sa 3rd round bagamat hindi na naman naging sapat para makabawi.
Pinasayaw din ni Donaire si Magdaleno sa 4th round at nagawa pang sugatan ang kaliwang mata nito.
Mistulang naging chess match ang 5ht round at pagsapit ng 6th round ay uminit ang dalawa at nagpaulan ng mga suntok sa bawat isa.
Lumamang si Magdaleno sa ika- 7 round at ika- 8 round nang mamaga ang mukha ni Donaire na bigong maharangan ang depensa ni Magdaleno.
Sa ika-9 na round ay nanganib pang lalo si Donaire dahil na rin sa bilis at galaw ni Magdaleno subalit nakabawi ang Pinoy boxer sa 10th at 11th rounds na hindi naman sumapit para tuluyang maigupo si Magdaleno.
Lalo pang namaga ang mukha ni Donaire pag tuntong ng 12th round subalit pinaulanan pa rin ng magagandang suntok si Magdaleno.
Gayunman hindi ito sumapat para mapanatili ni Donaire ang kaniyang titulo.
By: Judith Larino