Nagpaalala ang pamunuan ng Department of Health sa mga humahawak ng noontime show sa bansa na bukod sa pagsusuot ng face shield, ay dapat ding magsuot ng face mask.
Ito ang naging pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III, batay sa obserbasyon niya sa mga noontime show host na tanging face shield lang ang gamit.
Mababatid na mayroon din aniyang isang segment ng kantahan sa isang noontime show na nakasuot lang ng face shield ang mga kumakanta.
Paliwanag ng DOH, mataas ang banta ng transmission o hawaan ng virus kung ‘loud singing’ ang ginagawa.
Sa huli, ipinunto ni Duque na sang-ayon sa minimum health protocols ng pamahalaan, malinaw na bago i-suot ang face shield ay dapat nakasuot ang face mask.