Mahigpit na naka-monitor ang North American Aerospace Defense Command (NORAD) sa posibleng senyales ng missile launch ng North Korea.
Ito ay matapos umanong tagurian ng Pyongyang Officials ang nasabing launch bilang Christmas gift.
Kasabay nito ang pagtunton ng NORAD sa kilalang personalidad na nagdadala ng mga regalo sa bawat bata sa buong mundo.
Ang Norad na naka base sa Colorado Springs ay pinagsanib na puwersa ng US at Canadian Military Command na ang misyon ay magpalabas ng aerospace at maritime warnings at kumokontrol sa North America.
Sa nakalipas na anim na dekada nag-aalok din ang NORAD ng real time animated tracking si Santa Claus na tinaguriag ding kris kringle sa paglalakbay ng kaniyang reindeer para makapag deliver ng regalo sa mga bata.