Pabayaan lamang ang umiiral na normal market reaction.
Ayon ito kay Senador Aquilino Koko Pimentel III sa halip na mag-pork holiday sa gitna na rin nang pagtaas ng presyo ng baboy.
Sinabi ni Pimentel na dapat hayaan ang consumers na humanap at bumili ng ibang pagkain o produkto na sa tingin nila ay mas makatuwiran ang presyo at kaya ng kanilang budget.
Kapag hinimok o inobliga ang publiko na mag-pork holiday o huwag bumili ng karneng baboy, inihayag ni Pimentel na kawawa naman ang nasa hog industry.
Normal naman aniyang umiwas muna ang publiko sa pagbili ng karneng baboy para humina rin ang benta ng mga nagsasamantala sa sitwasyon. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)