Sa Setyembre pa babalik ang normal na suplay ng kuryente sa Luzon Grid.
Ito ang inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ayon kay Fidel Dagsaan, senior manager ng NGCP System Operations, ito’y dahil sa patuloy na nararanasang El Niño kaya’t posible pang madelay ang tag-ulan.
Sinabi pa ni Dagasaan na manipis pa rin ang reserba ng kuryente kaya’t naging madalas kamakailan ang pagsasailalim sa red at yellow alert ng Luzon grid.
Inaasahan pa umano na mas lalaki pa ang konsumo ng kuryente ng mga taga-Luzon sa susunod na linggo dahil sa tindi ng init.