Inanunsiyo ni Lea Salonga na hindi na matutuloy ang kanyang North American tour ngayong taon.
Ngunit nangako si Lea sa kanyang mga fans na magbabalik siya sa 2021.
Matatandaang naudlot ang tour ni Lea noong Marso bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Lea sa kanyang mga tagahanga na matutuloy din ang kanyang concert tour sa hilagang Amerika sa susunod na taon.