Kapwa nagsagawa ng missle test ang North at South Korea sa gitna ng pagbagsak ng usapin sa pagpapatigil ng nuclear programme NoKor.
Kinumpirma ni South Korean President Moon Jae-In tagumpay ang kanilang kauna-unahang underwater-launched ballistic missile test kahapon.
Layunin nitong matulungan ang SoKor na mapigilan ang anumang banta at palakasin ang kanilang self-defense capability.
Ilang oras matapos nito, nagpakawala ng dalawang short-range ballistic missile ang nokor bilang tugon sa missile test ng South Korea.
Bumagsak naman ang missile ng North Korea sa karagatan ng Japan. —sa panulat ni Drew Nacino