Nagpalitan ng warning shot ang North at South Korea matapos nilang akusahan ang isa’t isa na lumabag sa kanilang maritime borders sa gitna ng tumitinding tensyon ng mga militar forces.
Ayonsa South Korean forces, nagbigay sila ng warning shot o babala sa North Korean vessel na tumawid sa kanilang Northern limit line.
Inihayag naman ng North Korean forces, na nagpaputok ang South Korean army ship ng sampung beses mula sa kanilang rocket launcher system.
Nabatid pinagtatalunan ng Pyongyang ang Northern limit line mula pa noong 1990.
Sinabi ng South Korea na magsasagawa sila ng apat na araw na pagsasanay sa kanlurang baybayin at kasama ang 20 barko ng pandigma,
Kabilang dito ang aegis-equipped destroyer at mga asset ng US tulad ng apache attack helicopters at A-10 strike aircraft. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla