Pinaaaresto na ng Sandiganbayan si North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza dahil sa kasong graft.
Sa warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan First Division, nakasaad na nakitaan ng probable cause upang arestuhin ang gobernadora dahil sa pagkakasangkot nito sa fuel scam.
Kasabay ng nasabing warrant of arrest, naglabas din ng hold departure order laban kay Taliño-Mendoza.
By Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)