Niyanig ng Magnitude-6.3 na lindol ang North Cotabato ngayong gabi ng Miyerkules,Oktubre 16.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 22km (kilometro) Timog-Silangan ng Tulunan, North Cotabao at may lalim itong 15km.
Samantala, naramadaman din ito sa lakas na:
- Intensity 7 sa Kidapawan City;
- Intensity 5 sa Tupi, South Cotabato at Alabel, Sarangani;
- Intensity 4 sa Kiamba, Sarangani, T’boli sa South Cotabato, at General Santos City;
- Intensity 3 sa ilang parte ng Cagayan de Oro at Gingoog City sa Misamis Oriental;
- Intensity 2 sa Misamis Oriental; at
- Intensity 1 sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte at Bisig City sa Surigao del Sur.
Nagbabala naman ang Phivolcs sa posibleng mga aftershocks.
#EarthquakePH #EarthquakeNorthCotabato
Earthquake Information No.1
Date and Time: 16 Oct 2019 – 07:37 PM
Magnitude = 6.3
Depth = 015 kilometers
Location = 06.74N, 124.99E – 022 km S 56° E of Tulunan (North Cotabato)https://t.co/E7iSmmoMpG— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) October 16, 2019