Susuportahan ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sa panayam ng DWIZ, nilinaw naman ni North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza na ito ay kung susuportahan ito ng 39 na mga barangay sa probinsiya.
Subalit, iginiit ng gobernadora na hindi lamang dapat mga Muslim ang pakikinggan sa naturang usapin kundi maging ang mga Lumad at Kristiyano.
Balitang Aswang
Tinawanan lamang ni North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza ang napaulat na paggala ng aswang sa bayan ng Aleosan sa kanyang lalawigan.
Ito’y kasunod ng umano’y pag-atake ng aswang sa isang sityo sa Brgy. Tapudok kung saan sinasabing nakagat ang apat katao ng nilalang na nag-anyong pusa at aso.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Mendoza na hindi siya naniniwala rito at katunayan ay sa Facebook, radyo at telebisyon niya lamang narinig ang naturang balita.
Paliwanag pa ni Mendoza, wala rin siyang narinig na mga nagrereklamong negosyante na apektado ng umano’y pag-atake ng aswang.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita