Handa pa rin ang North Korea na makipag-usap sa Amerika bagama’t umatras na si US President Donald Trump sa itinakdang summit meeting nito kay NoKor Leader Kim Jong-Un sa June 12 sa Singapore.
Tiniyak ito ni NoKor First Vice Foreign Minister Kim Kye Gwan na tinawag ang naging hakbang ni Trump na “unexpected” at “regrettable”.
Ayon kay Kim, handa pa rin silang makipagharap sa Amerika anumang oras at sa kahit anong paraan para maresolba ang problema.
Bago pa man i-anunsyo ni Trump ang pag-atras sa summit meeting lumabas na ang report na tuluyan nang sinira ng NoKor ang nuclear testing site nito na sinaksihan ng mga foreign journalist.
—-