Maituturing ng mapanganib na kalaban ang North Korea pagdating sa pakikidigma batay sa monitoring ng US based-38 North ng Johns Hopkins University.
Sa pagsusuri ng 38th North, mas malakas ang hydrogen bomb ng North Korea sa dalawang ibinagsak na bomba atomika ng US sa Nagasaki at Hiroshima, Japan, noong Agosto 1945.
Sa isinagawang hydrogen bomb test ng NoKor noong isang linggo, posibleng umabot sa 250 kilotons ang lakas ng pagsabog na nagdulot ng magnitude 6.3 na lindol batay sa monitoring ng US Geological Survey.
Ang bombang ibinagsak sa Hiroshima at Nagasaki ay may lakas lamang 15 at 16 kilotons.
Dahil dito, naniniwala ang US Monitoring Group na hindi biro kung hahamunin ng digmaan ng Amerika ang North Korea.
—-