Nagbabala ang North Korea na maglalabas sila ng pinaka-malakas na follow-up measures mula Pyongyang, kung hindi ititigil ang ginagawang military exercise ng United States at South Korea.
Ayon sa Foreign Ministry ng North Korea, walang tigil at walang ingat na kumikilos para sa pagsasanay ang US at South Korean Military na posibleng magresulta ng seryosong yugto sa paghaharap ng kapangyarihan laban sa kapangyarihan sa pagitan ng mga nabanggit na bansa.
Matatandaang sinimulan ng United States at South Korea ang kanilang pinagsamang Military air drills na isa sa pinaka malaking aktibidad kung saan, daan-daang mga eroplanong pandigma mula sa magkabilang panig ang nagsagawa ng 24 hours mock attacks na agad namang kinondena ng North Korea.
Iginiit ng North Korea, na handa silang gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang para maipagtanggol ang soberanya ng kanilang bansa, seguridad ng mga tao at integridad ng teritoryo mula sa mga banta ng mga Military Forces sa labas ng bansa.