Muli na namang nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea sa baybaying dagat ng South Korea.
Ito’y matapos ma-identify ng South Korean forces ang ilang mga debris mula sa rocket launch ng Soviet-Era SA-5 o ang Surface-To-Air Missile ng North Korea.
Samantala, inihayag din ng Japanese Coast Guard at Japan’s Defense Minister Yasukazu Hamada, na bumagsak din sa kanilang lugar ang ilang piraso ng ballistic missile na pinakawalan ng North Korea.
Matatandaang nagsagawa ng sunod-sunod na weapon test ang North Korea kabilang na dito ang intercontinental ballistic missile kasunod ng military exercise na ikinasa ng United States at South Korea.