Muling naglunsad ng ballistic missile test ang North Korea.
Ipinabatid ng South Korean Joint Chiefs of Staff na pasado 6:00 kaninang umaga lamang pinakawalan ang missile mula sa Sinpo sa South Hamgyong Province at tumama sa East Sea malapit sa Japan.
Ayon pa sa Sokor, lumipad hanggang 60 kilometro ang projectile bago bumagsak sa karagatan.
Sinabi naman ng US Pacific Command na posibleng ang Pukguksong 2 Medium Range Ballistic Missile ang pinakawalan ng Pyongyang.
Ang nasabing hakbang ng Nokor ay dalawang araw bago ang nakatakdang pag-uusap nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
By Judith Larino
Photo Credit: Reuters