Muling naglunsad ng missile test ang North Korea, ilang araw matapos ianunsyo ni US President Donald Trump ang muling paglalagay dito sa listahan ng mga bansang sumusuporta sa terorismo.
Ayon sa Pentagon posibleng isang intercontinental ballistic missile ang pinakawalan ng North Korea at bumagsak sa karagatang sakop ng Japan.
Batay naman sa ulat ng South Korean News Agency na Yonhap, nanggaling ang missile sa Pyongsong, South Pyongan Province.
Agad namang nagsagawa ng missile firing test ang South Korean military bilang tugon sa missile test ng North Korea.
—-