Inihayag ng South Korean Military na muling naglunsad ng unified ballistic missile ang North Korea.
Ayon sa Joint Chief of Staff ng Seoul, nagpaputok ng missile ang Pyongyang sa North Korea kung saan, tumama ito sa East Sea ng Japan.
Una na ring nagpasabog ang Pyongyang ng 20 missile na tumama malapit sa territorial water ng South Korea.
Samantala, kinumpirma naman ng Tokyo, Japan ang pagpapasabog ng North Korea kung saan, naglabas na sila ng special warning sa mga residente partikular na sa hilagang bahagi ng rehiyon para sa kanilang paglikas.