Muling nagpakawala ng dalawang ballistic missile ang North Korea na pang walong beses na sa kanilang pagpapalipad mula sa Pyongyang.
Sa pahayag ni Japan State Minister of Defense na si Toshiro Ino, bumagsak ang dalawang missile sa Exclusive Economic Zone ng kanilang bansa.
Ang inilunsad ng North Korea ay pinaniniwalaan na isang submarine-launched ballistic missiles kasunod ng tactical nuclear strike ng South Korea.
Sa ngayon, itinaas na ng Washington at mga kaalyado na Tokyo at Seoul ang kanilang alerto para sa pagpapaigting ng kanilang seguridad at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.