Nagpakalat na ng mga sundalo si North Korean Supreme Leader Kim Jong Un upang tumulong sa pamamahagi ng COVID-19 medicines.
Kasunod ito nang ipinatupad na malawakang lockdown sa NoKor dahil sa COVID-19 outbreak.
Partikular na ipapadala ang mga sundalo sa kabisera Napyongyang kung saan unang na-detect ang Omicron variant.
Nangangamba naman ang mga medical expert dahil posibleng magdulot ng krisis ang outbreak lalo’t isa ang North Korea sa mga bansang mayroong pinaka-pangit na Healthcare System.
Sa huling datos, umabot na sa 1, 213, 550 ang hinihinalang tinamaan ng virus, kabilang ang 50 nasawi.