Ibinabala ng North Korea ang pakikipag sagupa sa Amerika kapag itinuloy ang joint military exercises kasama ang South Korea.
Ayon sa official news agency ng NOKOR na KCNA hindi sila magmamakaawang makausap ang Amerika na anila’y dapat akuin ang magiging resulta ng counteraction nila.
Sinabi naman ng Foreign Ministry Spokesperson ng NOKOR na naka depende sa attitude ng US ang kapayapaan sa Korean Peninsula.
Gayunman naninindigan ang white HOUSE na anumang pag uusap kasama ang NOKOR ay kailangang humantong sa pagtatapos ng nuclear program ng bansa.
RPE