Malinaw na naghahamon ng giyera ang North Korea.
Ito ang lumalabas sa emergency meeting ng security council ng United Nations matapos ang pinakabagong nuclear bomb test ng NoKor.
Ayon kay US Ambassador to United Nations Nikki Haley, hindi nanaisin ng Amerika ang magkaroon ng digmaan pero binigyang diin nito na limitado lamang ang pasensya ng kanilang bansa.
Samantala, namagitan naman sa naturang pulong ang China na kilalang kaalyado ng Hilagang Korea.
Ayon sa kinatawan ng China, mainam kung ibalik sa negosasyon ang naturang gusot kung saan ang Switzerland ang magsisilbing tagapamagitan.
By Ralph Obina