Nagpakawala ng multiple rocket ang Pyongyang, North Korea na may layuning palakihin ang tensiyon sa rehiyon.
Ayon sa Joint Chief of Staff ng lugar, matagal nang pinaplano ng North Korea na wasakin ang halos 60 kilometro o halos 40 milya ng Seoul, South Korea gamit ang mga Artillery fire.
Ang Artillery fire ay isang klase ng heavy military ranged weapons na itinayo upang maglunsad ng kaguluhan na sisira sa defensive walls o pader sa gitna ng bakbakan.
Sa pahayag ng National Security Council ng South Korea, inaalam pa nila kung ano ang dahilan ng pagpapasabog ng rocket launcher ng North Korea.
Sa ngayon, nagsagawa na rin ng emergency meeting ang Seoul at nanawagan para sa transition period. — sa panulat ni Angelica Doctolero