Nagpadala na umano ang North Korea ng ballistic missile at chemical weapons sa Syria.
Ito’y bilang tulong ng Nokor sa Syrian at Russian Forces na nakikipagsagupaan sa mga rebelde partikular sa Eastern Ghouta Province.
Batay sa panibagong report ng mga eksperto mula United Nations, ang nasabing hakbang ay paglabag sa U.N. sanctions na ipinataw sa Nokor.
Namataan din sa ilang missile facility sa Syria ang mga North Korean missile technician.
Samantala, sumampa na sa mahigit 600 katao ang nasawi sa nagpapatuloy na airstrike at artillery strike sa Eastern Ghouta.
RPE