Muli na namang nagpakawala ng missile ang North Korea ngayong araw.
Ayon sa ulat lumipad ang missile ng NoKor patungong Japan at bumagsak sa may 2,000 kilometro silangan ng Hokkaido.
Agad naman itong kinundena ng Japan kung saan sinabi ni Japan Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, hindi katanggap-tanggap ang tuloy-tuloy na pang-uudyok ng NoKor.
Matatandaang noong nakaraang buwan lamang nang magpakawala din ng kahalintulad na missile ang NoKor na bumagsak din malapit din sa Hokkaido.
—-