Nagpaputok ng dalawang range ballistic missiles ang North Korea patungo sa Sea of Japan na kilala bilang East Sea.
Ito’y sinabi ng Joint Chiefs of Staff (JCS) na nakita nito ang mga paglulunsad mula sa Tongchon Area sa Kangwon Province
Inilunsad ang mga missile kahapon.
Pinaputok ang mga missile patungo sa dagat ng Japan ngunit nakarating sa labas ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Japan na umabot hanggang 200 nautical miles.
Samantala, nakahanda na rin ang puwersa ng South Korea at Estados Unidos na magsagawa ng mga pangunahing pinagsamang air drill na pinangalanang ‘Vigilant Storm’. —sa panulat ni Jenn Patrolla