Hindi pa matukoy ng joint chiefs of staff ng Seoul ang uri ng pampasabog na pinakawalan ng North Korea sa silangang karagatan ng South Korea.
Kasunod ito ng pahayag ng North Korea na hindi ito natutuwa sa mabagal na progreso ng nuclear negotiations nito kasama ang United States.
Patuloy din umano ang pag pressure ng NoKor sa Trump Administration na tanggalin ang mga ipinataw na sanctions sa Pyongyang.
Magugunitang noong Setyembre ay nagsagawa ng test fire ang NoKor ng isang underwater launched ballistic missile sa kauna-unahang pagkakataon.