Ipinagmalaki ng North Korea na naging matagumpay ang kanilang nuclear test sa ginawa nilang hydrogen bomb kahapon.
Kasunod nito, agad nagpatawag ng security meeting ang mga bansang Japan at South Korea upang talakayin ang nasabing hakbang ng NoKor.
Batay sa tala ng USGS o United States Geological Survey, nagdulot ng magnitude 6.5 na pagyanig ng lupa ang nasabing nuclear test na naramdaman pa hanggang China.
Ngunit paglilinaw ng NoKor, isa lamang itong thermonuclear weapon na may super explosive power kung saan, tanging sa kanila lamang matatagpuan ang mga materyales na ginamit dito.
Pero ayon sa US Department of Energy kayang sirain ng hydrogen bomb na ito ang linya ng kuryente at komunikasyon sa loob ng ilang libong kilometro mula sa lugar na pagbabagsakan nito.
By Jaymark Dagala