Nagpakawala ng ilang land to ship missiles ang North Korea mula sa kanilang East Coast.
Ayon sa Office of Joint Chiefs of Staff ng South Korea, ang missile ay pinakawalan kaninang umaga mula sa Wonsan at ito ay umabot ng dalawang daang (200) kilometro ang layo.
Ang panibagong missile test ng North Korea ay ginawa isang araw matapos ianunsyo ng SoKor na kanila munang isasantabi ang paglalagay ng kontrobersyal na anti-missile defense system o ang terminal high-altitude area defense mula sa Amerika.
By Katrina Valle
North Korea nagpakawala ng multiple land to ship missiles was last modified: June 8th, 2017 by DWIZ 882