Nagpakawala ng short-range missiles ang North Korea, ilang oras matapos patawan ng sanction ng United Nations ang Pyongyang dahil sa pagsasagawa nito ng ika-apat na nuclear test at rocket launch.
Ayon kay Moon Sang-Gyun, tagapagsalita ng South Korean Defense Ministry, patungo sa direksyon ng East Sea o Sea of Japan ang pinakawalang missile ng North Korea alas-10:00 ng umaga.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad kung anong uri ng missile at ilan ang pinakawalan ng nasabing bansa.
Isinagawa ng North Korea ang pagpapakawala ng short-range missile matapos silang patawan ng mabigat na parusa ng UN.
Kabilang sa parusang ipinataw ng UN ang pagpapataw ng ban sa North Korea na makapag-export ng coal, iron at iron core at iba pa.
Pinagbawalan din ang NoKor na mag-supply ng aviation fuel kabilang ang rocket fuel.
By Meann Tanbio