Nahaharap ang North Korea sa mas matinding kakulangan ng pagkain dahil sa matinding tag-gutom simula pa noong 2001.
Dahil dito, sinabi ng United Nations Food Agency na kailangang mag-import ng pagkain ng NoKor para matiyak na hindi magugutom partikular yung mga bata at matatanda.
Ayon sa Food and Agriculture Organization o FAO, mas mababa sa average ang ulang bumuhos sa pagitan ng Abril at Hunyo at ito ay nakaapekto ng husto sa staple crops tulad ng kanin, mais, patatas at soybean.
Lumalabas sa FAO report na napigil ng nasabing mababang rainfall ang planting activities at nakasira sa main season crops ngayong taon.
Nakasaad sa report ang pinaigting pang food imports, commercial o food aid ang kailangang kalangan sa susunod na tatlong buwan sa NoKor para matiyak ang sapat na supply ng pagkain.
Kabilang sa labis na apektado ng itinuturing na worst drought simula pa noong 2001 ang Nampo City at mga lalawigan ng South at North Pyongan at Hwanghae.
By Judith Larino
North Korea nahaharap sa matinding tag-gutom was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882