May nabuo umano ang North Korea na malakas na hydrogen bomb.
Batay ito sa report ng state media na Korean Central News Agency.
Anila, isa itong thermonuclear weapon na may super explosive power na ang mga materyales ay galing lamang sa kanilang bansa.
Naglabas pa sila ng litrato kung saan makikita ang kanilang leader na si Kim Jong Un na iniinspeksyon ang nasabing mga hydrogen bomb na ipapasok umano sa bago nilang Intercontinental Ballistic Missile.
Ayon sa US Dept of Energy kayang sirain ng hydrogen bomb na ito ang linya ng kuryente at komunikasyon sa loob ng ilang libong kilometro mula sa pagbabaksakan nito.
Ngayon taon, nagpakawala na ang North Korea ng dalawang missile na siyang nagpataas ng tensyon sa rehiyon.
Una nang nagbabala si US President Donald Trump na sasalagin nila ang anumang pag atake ng North Korea.
By: Jonathan Andal
SMW: RPE