Nagdeklara ng “Severe National Emergency” ang North Korea.
Ito ay matapos na maitala sa kanilang bansa ang pinaka-unang kaso ng COVID-19.
Ayon sa opisyal ng Korean Central News Agency, na-detect sa sample ng isang pasyenteng mayroong lagnat ang highly transmissible Omicron variant.
Nangako naman ang lider ng North Korea na si Kim Jong Un na aalisin nito ang naturang virus sa bansa sa lalong madaling panahon.