Pinangangambahang magsagawa muli ng missile test ang North Korea ngayong buwan.
Ito ang ibinabala ng Japan at South Korea sa gitna ng pina-plantsang pag-uusap ng Amerika at NoKor hinggil sa Korean crisis.
Ayon kay Japanese Defense Minister Itsunori Onodera, posibleng magpawakala muli ng ballistic missile ang North Korea sa October 10 kasabay ng founding anniversary ng ruling party ng bansa.
Inihayag naman ni South Korean Foreign Minister Kang Kyung-Wha na na-monitor nila ang presensya ng ilang missile mula sa isang rocket facility sa Pyongyang.
Samantala, nakahanda na rin ang sokor at japan para sa pagbisita ni US president Donald Trump sa Nobyembre kung saan tatalakayin ang nuclear threat ng NoKor.