Pormal nang umatras sa Winter Olympics ang North Korea na gaganapin sa China sa Pebrero 4 hanggang 20, 2022.
Ayon sa sulat na ipinadala ng North Korea, ang tumataas na kaso ng Covid-19 sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang pangunahing dahilan ng kanilang pag-atras.
Tinawag din nitong ‘hostile forces’ gaya ng Estados Unidos dahil sa umano’y pagtatakang pigilan ang pagdaraos ng nasabing palaro.
Sa kabila nito, hiniling naman ng North Korea na sana ay maging matagumpay ang Winter Olympics.
Matatandaang una nang nagpahayag ng hindi pagdalo ang Estados Unidos kabilang ang Canada.