Kinumpirma ng North Korea na naka-recover na ang lahat ng mga mamamayan nitong may lagnat matapos ang COVID-19 outbreak sa kanilang bansa.
Batay sa ulat, tinatayang 4.77 million na fever patients ang fully recovered habang nasa 74 naman ang tinatayang bilang ng mga nasawi mula noong Abril.
Ayon sa North Korea, nasa ilalim na ng stability ang anti-epidemic situation ng kanilang bansa, kung kaya’t mas mabilis ang mobility ng kanilang medical workers sa mga panahon ng naturang krisis.
Samantala, tinyak ng North Korea na dodoblehin nila ang kanilang pagsisikap upang mapanatili ang tagumpay sa pagsasakatuparan ng state anti-epidemic policies at iba pang hakbang para mapalakas ang anti-epidemic system.