Hindi pinansin ni North Korean Leader Kim Jong Un ang tawag ni US President Joe Biden.
Ito ang inihayag ng isang senior official sa White House, aniya ang naturang pagtawag ni Biden ay talakayin ang iba’t-ibang isyu at mabawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Pero hindi naman na idinetalye ng opisyal kung ano ang iba pang dahilan ng pagtawag ni Biden.
Sa huli, binigyang diin ng Estados Unidos na sila’y umaasang mapapansin ng North Korea para masimulan na ang pag-uusap sa dalawang panig at masolusyunan ang mga pagkakaiba nito.