Binisita ni North Korean Leader Kim Jong Un ang mga lugar sa kanilang bansa na matinding naapektuhan ng bagyo.
Kasabay ng kanyang pag-iikot, nagpatawag si Kim ng executive policy committee meeting para sa mabilis na pag-usad ng recovery efforts sa mga lugar sa North Korea na matinding nasalanta.
Sa nabanggit ding pulong, sinibak ni Kim ang chairman ng South Hamgyong Provincial Party Committee at nagtalaga ng bagong pinuno.
Ito ay kasunod naman ng panawagan ng kanilang ruling party na patawan ng parusa ang mga opisyal na nabigong sumunod sa kautusan na nagresulta sa pagkasawi ng ilang mga residente dahil sa bagyo.
Batay sa ulat, mahigit 1,000 mga bahay ang nawasak ng tumamang bagyo sa coastal areas ng South at North Hamgyong Provinces.