Nakatakda nang ipadeport ng Malaysia ang North Korean na suspek sa pagpatay sa half-brother ni North Korean Leader Kim Jong Un na si Kim Jong Nam.
Ayon sa Malaysian authorities, dadalhin na ang suspek na si Ri Jong Chol sa immigration para sa inihahandang pagpapadeport dito.
Matatandaang kinulong si Ri ilang araw matapos mapatay si Kim ngunit napalaya rin dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya na siya ang nasa likod ng pagpatay kay Kim.
By Ralph Obina