Grounded na sa Subic Bay ang M/V Jin Teng, isang barko ng North Korea na dumaong sa Subic Bay.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, Spokesman ng Department of Foreign Affairs (DFA), pinigil nila ang barko ng North Korea sa bisa ng resolusyon ng United Nations.
Isasalang rin aniya sa imbestigasyon ang crew at staff ng M/V Jin Teng bago nila ito ipa-deport.
“Hindi po mahalaga kung ano ang dala nilang cargo ang importante po ay ma-grounded ito dahil itong Jin Teng na ito, na-identify po siya as an economic resource owned by this ocean maritime management at subject po siya sa asset freeze, ang importante po ay ma-grounded siya para hindi na siya makapag-engage in any activity that will benefit North Korea.” Pahayag ni Jose.
By Len Aguirre | Ratsada Balita